Bandidong kidnapper, tiklo sa Zamboanga City

NAKUWELYUHAN ng awtoridad ang isa na namang miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) na wanted sa mga kasong kidnapping with serious illegal detention sa Zamboanga City.

Si Gapor Taula Mohammad alyas Fauji o Faurujie ay naaresto ng magksanib na puwersa ng PNP at military intelligence operatives sa bahay na tinutuluyan nito sa Barangay Recodo.

Natunton ang suspek sa tulong na rin ng ilang mga residente na nagpatunay na ito ang subject sa warrant of arrest.

Inilabas ang warrant of arrest ng suspect noon pang Hulyo 10, 2009 ng Regional Trial Court Branch 1 ng Isabela City sa probinsya ng Basilan.

Nito lamang nakaraang linggo, isa ring miyembro ng ASG na may warrant of arrest sa kaparehong kaso ang naaresto sa barangay Recodo sa inilunsad na joint operation ng iba’t ibang intelligence unit ng PNP at militar sa lungsod.

Ang Barangay Recodo ay isa sa mga lugar sa Zamboanga City na pinaniniwalaan na pinagtataguan ng maraming mga masasamang loob na karamihan sa kanila ay nanggagaling sa probinsya ng Basilan, Sulu at iba pang mga karatig na lugar.

Talamak din ang bentahan ng shabu sa nasabing barangay at nito lamang taon, dalawang shabu tiangge ang nadiskubre ng awtoridad.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply