Bandila ng Malaysia sinunog ng MNLF sa Davao City

SINUNOG ng mga elemento ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Davao City ang bandila ng Malaysia dahil daw sa conspiracy at panunuhol nito na nagresulta sa pagkabuo ng framework agreement ng GPHA at MILF.

Ayon kay Atty. Ely Pamatong, isa sa mga adviser ni MNLF chairman Nur Misuari, nanuhol daw ang Malaysia upang mapadali ang kasunduan at makalimutan na ang usapon ng Sabah claim ng Pilipinas.

Iginiit naman ni Misuari na tuloy ang kanilang pagtutol sa framework agreement at idudulog niya ang usapin sa Organization of Islamic Conference.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply