Bangayan nina Evardone at Tañada, umiinit

UMIINIT na ang iringan sa pagitan ng dalawang kongresista kaugnay sa isyu ng pagkaka-antala ng  pagpapatibay sa Freedom of Information (FOI) bill.

Mistulang nauwi na sa “word war” sa pagitan nina Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Committee on Public Information, at ni House Deputy Speaker Erin Tañada, ang pangunahing may-akda sa FOI bill ang usapin ng FOI.

Binuweltahan ni Evardone ang mga banat ni Tañada na, aniya’y, nagmimistula siyang punching bag nito.

Banat pa ni Evardone na tila siya ang sinisisi ni Tañada sa pagkaka-unsyami ng kaniyang hangaring maging senador.

Payo ni Evardone kay Tañada na maghinay-hinay dahil posibleng marami na siyang na-antagonize dahil sa kapipilit ng FOI bill na siyang lalong nagpalubog sa mga nagdaang survey.

Naunang sinabi ni Tanada na ilalaban niya ng patayan ang FOI bill at handa siyang mag-sponsor ng kontrobersyal na panukala sa plenaryo sakaling hindi ito kasya ni Evardone.

Nag-ugat ang iringan ng dalawang mambabatas dahil sa umano’y patuloy na pagdadahilan ni Evardone upang huwag ituloy ang mga pagdinig sa FOI bill na siyang ikinapipikon ni Tañada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply