Banggaan ng dyip, trak 9 patay

SIYAM ang patay makaraang magbanggan ang pampasaherong dyip at 14-wheeler truck sa highway sa Barangay 18, Sarrat, Ilocos norte kaninang umaga.

Nabatid na bandang alas-7:30 ng umaga nang maganap ang banggaan na ikinasawi nina Evelyn Canonizado, anak niyang 5-taong gulang na si Reilie; mga estudyanteng sina Mickey Agbayani, Angelika Cruz, Jessica Doropan; driver ng jeep na si Lindberg dela Cruz at ang tatlong hindi pa nakikilala.

Patungo sana sa Laoag City ang pampasaherong jeep na karamihan sa mga pasahero ay mga estudyante nang mag-overtake umano ito dahilan upang masalpok ang kasalubong na truck.

Bunsod ng lakas ng impact ng pagkakabangga ay bumaligtad ang jeep.

Isinugod sa Ablan Hospital ang mga sugatan kung saan anim dito ang kritikal.

Mapalad namang hindi nagtamo ng anomang sugat ang driver ng trak na si Vencio Butac.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply