Bangis ng Red Lions haharapin ng Altas

NATAPOS na ang mainitang labanan sa UAAP Finals habang mag-uumpisa pa lang bukas ng hapon ang semifinals ng 88th season ng NCAA men’s basketball tournament na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Sumampa sa Final Four ang defending champion San Beda College Red Lions, (15-3), last year’s runner up San Sebastian College Stags, (13-5) host Letran Knights, (12-6) at first time na nakapasok sa semis na Perpetual Help Altas, (10-8).

Nakakuha ng twice-to-beat incentive ang Red Lions at Stags dahil sa kanilang No.1 at No. 2 finish sa eliminations round ayon sa pagkakasunod.

Makakaharap ng San Beda ang No. 4 na Altas sa alas-kuwatro ng hapon at pagkatapos ay magsasabong naman ang Stags at Knights sa alas-sais ng gabi.

Bago nabuo ang teams na nakapasok sa semifinals ay nagkaroon muna ng playoff game kahapon sa The Arena sa San Juan para sa No. 4 spot dahil pareho ng kartada ng Altas at Jose Rizal U Heavy Bombers.

Tinalo ng Perpetual ang JRU, 73-68 upang matikman ng Altas ang kanilang pagka-uhaw na maglaro sa semifinals na umabot ng walong taon.

Taong 2006 naman huling nakasampa ang JRU sa Final Four.

Isang krusyal steal ang dinakma ni Nosa Omorogbe ng Altas kay Alex Almario at saka sinelyuhan ng dalawang free throws upang itakas ang panalo.

Umabante ang Perpetual ng 14-point lead, 35-21, sa 5:29 ng second period at sa pagtatapos ng third canto ay nakadikit na ang Jose Rizal, 53-50.

Bumira ng 11-2 atake Altas para muling ilayo ang score 69-59 may 3:55 minuto na lang sa laro.

Muling dumikit ang JRU ng magpasabog sina Byron Villarias, John Lopez at Alex Almario para sa 68-70 sa huling minuto ng laro subalit may natitira pang lakas ang Altas para awatin ang Heavy Bombers.

Sumalansan ng 14 points at limang rebounds si Omorogbe habang nag-ambag din ng 14 puntos si Justine Alano para sa Altas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply