Bangka lumubog sa Bora, 4 na sakay nasagip

NAILIGTAS ng mga Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong Pinoy at isang Amerikano mula sa lumubog na bangka sa Boracay.

Ang mga nasagip na biktima ay kinilala ni PCG Spokesman Lt. Cmdr. Arman Balilo na sina Eddie Castro, Shyron Tomaub, Marites Borong at ang 61-anyos na Amerikanong si Robert Breedwel.

Nabatid sa natanggap na ulat ni Balilo, naglalayag ang mga biktima sakay ng bangka sa Bulabog Beach nang hampasin ito ng malaking alon.

Nagpalutang-lutang sa karagatan ang mga biktima na nasagip agad ng mga rumespondeng tauhan ng PCG.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply