Bangkay lumutang sa estero

HINIHINALANG nadulas at nahulog sa estero ang katawan ng lalaki na natagpuang nakalutang sa isang estero sa Tondo, Maynila kagabi.

Ayon kay PO3 Alonzo Layugan, ang biktima ay nasa edad sa pagitan ng 45-50 anyos, may taas na 5’2, nakasuot ng maong short at itim na polo shirt.

Nabatid na alas 6:00 ng gabi nang natagpuang nakalutang ang biktima sa Estero de Maypajo sa kanto ng Carmen at Bentina St., Gagalangin, Tondo.

Naglalakad si Erickson Agapito sa lugar nang mapansin ang nakalutang na katawan ng biktima kaya ipinagbigay-alam nito kay Barangay Chairman Eduardo Yu ng Brgy. 177 District 1 na siyang nag-report sa pulisya.

Ayon kay Layugan, wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima na hinihinalang inanod lamang at napunta ang katawan nito sa nasabing lugar.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply