Bangkay ng kelot natagpuan sa parking lot ng mall

WAKWAK ang braso at may tusok sa kaliwang dibdib ang natagpuang bangkay ng isang lalaki sa may parking space mismo ng isang mall sa Pasig City.

Natagpuan ang biktima na hindi pa batid ang pagkakakilanlan na nakatihaya sa parking space ng Robinson’s Metro East na inilarawan lamang na may suot ng itim na long sleeves, maong na pantalon, may mga tattoo sa kanang daliri.

Kasalukuyan namang nag-iimbestiga ang pulisya sa pagkamatay ng biktima habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan nito na kasalukuyang nasa funeraria na.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply