Bangkay ng sanggol napulot sa Kyusi

NAPULOT ng isang basurero ang isang patay na bagong silang na sanggol  na lalaki sa center island ng IBP Road sa Quezon City.

Nabatid na nakita ni Eduardo Borojas ang sanggol habang namumulot siya ng basura sa naturang lugar na nakabalot pa umano sa duguang puting tela at nakakabit pa ang pusod.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad kung sino ang responsable sa naturang krimen habang dinala na ang bangkay ng sanggol sa  San Rafael Funeral Homes sa Quezon City.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply