Bangkay ng sekyu natagpuan sa Pasig

PINANINIWALANG nagbaril sa sarili ang isang security guard na natagpuang patay sa  Manuel Quezon street, Barangay Rosario, Pasig City.

Nakita ang bangkay na may tama ng bala ng baril sa kanang sentido. Kinilala ang biktima na si  Joseph Caluay, 32, ng Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, guard  ng isang pagawaan ng rattan furniture.

Ayon sa nakarinig ng putok ng baril na kinilalang si Domingo Bagalay, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang hinihinalang pagpapatiwakal.

Natagpuan ang bangkay ng isang Demi Nazareth na may busal ang bibig nito at may katabing suicide note.

Duda naman ang Pasig Police na nagpatiwakal ang biktima na nakatakdang i-awtopsiya habang susuriin din ang suicide note kung sulat-kamay nga ito ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply