Bangkay ng tisay, natagpuan sa Pasay

NAGSILBING gabay ang mga naglipanang langaw para matuklasan ang bangkay ng isang mestisang babae na hinihinalang tatlong araw nang patay sa Pasay City.

May tali ng alambre sa leeg nang matagpuang sa kama sa lood ng kwarto ang biktima na si Deborah Cerna, 32 anyos, dalaga at residente ng P.Villanueva St. ng naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon nina SPO2 Chris Gabutin at SPO1 Simon Respicio ng Homicide Section ng Pasay City Police, bandang 7:15 nang umaga ng matuklasan ang biktima sa kanyang kuwarto na nakatihaya na may nakapulupot na alambre sa leeg.

Ayon sa pahayag ng kapitbahay nito na si Merly Safe, napansin nila ang biktima (alyas”Chona”) na hindi na ito lumalabas ng kanyang silid kaya nagduda na sila nang may mga langaw na umaali-aligid sa silid.

Makalipas ang dalawang araw ay naka-amoy na sila ng masangsang na amoy at lalong dumami ang mga langaw sa lugar na ang akala nila ay isang patay na daga lamang na naghuhudyat na may nangyari sa biktima.

Kinabukasan ay kumuha sila ng hagdan upang silipin ang bintana sa kuwarto ng biktima at nang buksan ang bintana ay biglang umalingasaw at dito nila natuklasan na ang biktima ay patay na may nakapulupot na alambre sa leeg.

Ayon pa sa mga kapitbahay, balak na nilang irehab ang biktima dahil ito umano ay lulong na sa ipinagbabawal na gamot pero kulang ang mga papeles nito upang madala sa rehabilitation center.

Inaalam pa ng awtoridad kung ang biktima ay pinaslang o nagpakamatay.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply