Bangkay sa loob ng drum inabandona sa Cavite highway

DAHIL pinutakte na ng mga bangaw at langaw, nadiskubre ang bangkay ng isang hindi nakikilalang lalaking isinilid sa isang drum bago sinementuhan sa Cavite Province nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 19.

Bagama’t natibag na ng awtoridad ang sementong inilagay sa drum upang maikubli ang krimen ay wala pa rin pagkakakilanlan ang biktima na inilarawang 28-33 anyos, nakasuot ng maong pants at kulay itim na t shirt.

Bukod pa rito, wala rin nakitang anumang identification card ang pulisya na hinihinalang sadyang kinuha ng salarin upang iligaw ang ikakasang imbestigasyon ng Noveleta police station.

Wala pang ideya ang pulisya sa kung sino ang nagkasa ng krimen pero sa pamamaraan ng pagpatay sa biktima ay tropa ito ng mga galit sa kawatan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 11:20 nitong Biyernes ng gabi sa national highway ng Noveleta, Cavite.

Noong una, inakala na basura lamang ang laman ng drum pero nang makitang pinuputakte na ito ng mga langaw at bangaw ay nagduda na ang mga residente sa lugar.

Nang buksan na ang naturang drum, nauna nilang nakita ang isang paa ng biktima habang ang iba pang bahagi ng katawan nito ay ibinaon sa semento.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply