Bangsamoro, ‘di katiyakan sa kapayapaan

DEPENDE pa rin sa uupong pinuno ng itinatatag na Bangsamoro entity na makamtan ang tunay na kapayapaan sa Minadanao.

Ito ang inihayag ni Amoran “Andy” Landoga, National Presidente and Founding Chairman of the Filipino Democrats Alliance (FIMDA) sa ginanap na pulong ngayon.

Ayon kay Landoga, wala pa ring kasiguraduhan na ang pagbuo ng isang Bangsamoro entity dahil kailangan pa rin ng matinong lider na siyang mangunguna sa pagpapairal ng kapayapaan sa Mindanao.

Sa pagbuo ng Bangsamoro, ayon kay Landoga, ay posibleng mayroon pa ring susunod na magtatatag ng bagong grupo na hindi pabor sa pagkakatatag nito na magsisilbing banta sa kapayapaan sa Mindanao.

Dagdag pa ni Landoga, ang hindi pagkakaisa ng mga Muslim brothers ay hadlang din sa tunay na kapayapaan.

Nakatakdang lagdaan ang Framework Agreement sa Bangsamoro bukas sa Malakanyang.

Matatandaan na ipinalit ang Bangsamoro sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Naniniwala naman ang Malakanyang na ang Bagsamoro ay hindi “makeover” o ordinaryong kapalit lamang ng ARMM.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply