Bangsamoro hindi matutulad sa ARMM

NANINIWALA ang Malakanyang na hindi mauuwi sa failed experiment ang Bangsamoro gaya ng ARMM  sa oras na mapirmahan ang Framework Agreement sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

“We’re very hopeful for this particular agreement. We’re very hopeful and both sides are committed to giving peace a chance, to give hope a chance to flourish,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Pinalagan naman ng Malakanyang ang ulat na binago lamang ang pangalan ng ARMM at ginawang Bangsamoro subalit ang konteksto ng kasunduan ay ganoon pa rin. Walang pinagbago.

“A reading of a Framework Agreement and also of the subsequent annexes will belie that assumption,” ani Valte.

Pabor ang Malakanyang na mag-vigil ang mga peace advocates sa Mendiola na nauna nang naglunsad ng kanilang peace caravan sa Cotabato, Marawi City, Surigao upang masaksihan ang signing ng nasabing kasunduan.

Sa katunayan, pinayuhan pa ni Usec. Valte ang mga peace advocates na magdadala ng 50 sasakyan pa-maynila na mag-ingay sa byahe.

“We hope that they’ve had a safe journey mula Cotabato and Marawi, nag-converge po ng Surigao, tumawid ng Samar and Leyte tapos papunta na po rito. We hope that the journey will be safe and makarating po sila nang maaliwalas papunta po dito sa Maynila,” sabi ni Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply