Bangsamoro homeland susuportahan ng mga obispo

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga obispong Katoliko sa paglikha ng Bangsamoro homeland para sa mga Muslim sa Mindanao.

Ang framework agreement hinggil dito ay nilagdaan na ng administrasyong Aquino at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nitong Lunes, Oktubre 15.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, taliwas sa naging mahigpit na pagtutol ng mga Catholic bishops sa bigong Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa pagitan ng Arroyo administration at ng MILF noong 2008, positibo sila sa framework agreement ngayon lalo na’t palagi namang pabor ang simbahan sa pagkakaroon ng kapayapaan sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni Cruz na naging mahigpit lamang ang pagtutol ng mga obispo sa MOA-AD noon dahil sa kawalan ng public consultation.

Nangako naman ang administrasyong Aquino na isasapubliko ang mga probisyon ng anumang pinal na kasunduan na mabubuo sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF.

Sinabi ng arsobispo na ang lahat ay umaasa na magiging maganda ang resulta ng kasunduan at magdudulot ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

“…it still has a long, long way to go. I don’t even know if it can be finished by 2016. I hope it’s done by then,” anang arsobispo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply