Bangsamoro pact, tablado kay Miriam

MISTULANG tinabla ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang pinasok na kasunduan ng Aquino administration sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagbubuo ng Bangsamoro Framework na ipapalit sa  Authonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Tahasang sinabi ni Santiago na kilalang Constitional Law expert na kailangan ang Charter Change (Cha-cha) o pag-amyenda sa Saligang Batas sa para maisakatuparan ang kasunduan ng gobyerno at MILF.

Ayon sa senadora, dalawang amendments sa Saligang Batas ang kailangan sa nabuong kasunduan; una ang pagbuo ng Non-Presidential form tulad ng Parliamentary Government sa Bangsamoro area at pangalawa ang pagbuo ng  Federalized System dahil maituturing umano itong sub-state.

Nangangamba rin si Santiago sa partisipasyon ng third party o ibang bansa tulad ng Malaysia sa pagbuo ng kasunduan samantalang may kinalaman ito sa implementasyon ng Saligang Batas.

Binigyang diin ng senadora na hanggat hindi naamyendahan ang Saligang Batas ay maituturing na walang bisa ang kasunduan ng pamahalaan at MILF.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply