Bangsamoro political entity suportado ng oposisyon

SINUSUPORTAHAN ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong ang pagkakaroon ng Bangsamoro political entity.

Tinitiyak ng kongresista na taga-oposisyon man siya ay personal niyang itutulak ang pagpapatibay ng Lehislasyon para sa Bangsamoro Region sa oras na maipasa ito sa Kongreso.

Isa si Datumanong sa tumulong sa pagpapatibay ng kasunduan noon sa pagitan ng Gobyerno at Moro National Liberation Front o MNLF.

Ipinaalala lamang ni Datumanong sa Ehekutibo at MILF na siguruhing ang kasunduan para sa Bangsamoro Region ay hindi maglalaman ng probisyong katulad ng sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain.

Samantala, iginiit naman ni Committee on Constitutionsl Amendments Revision of Laws And Codes Chairperson Senator Miriam Santiago na kailangan ang Charter change o pag-amyenda sa Saligang Batas para sa pagbuo ng Bangsamoro.

Ayon kay Santiago, malinaw sa binuong framework na syang napagkasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front na ito ay maipatutupad lang sa pamamagitan ng Cha-cha.

Lumalabas umano na hindi Presidential Form of Government kundi parliamentaryo ang knilang ipapatupad sa bubuuing Bansamoro na maituturing, aniyang, isang independent o substate.

Kaya ang apela ni Santiago, pag-aralang muna itong mabuti ng pamahalaan.

Maliban dito ay mariin ding kinuweston ni Santiago, umano’y pakikialam ng ibang mga bansa sa pangunguna ng Malaysia kung paano ipapatupad ng Pilipinas ang anumang Constituional provision sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na malinaw umanong paglabag sa ating Constitutional
soverignity.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply