Bangsamoro Region mahaba pang proseso – Rep. Biazon

MAHABA pa ang prosesong pagdaraanan bago mabuo at maisakatuparan ang Bangsamoro Region na ipapalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ikinumpara ni Defense Committee Chairman at Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon sa larong baseball ang paglikha ng Bangsamoro Region na bagama’t nasa 2nd base na ang pamahalaan tungo sa kapayapaan sa Mindanao ay may isa pang proseso na pagdaraanan bago maka-home base.

Aniya, matapos ang pag-engganyo sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay daraan pa ang panukala sa isang Constitutional process gaya ng plebisito.

Subalit duda naman si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño kung ang paglikha sa Bangsamoro Region ang siyang solusyon sa may 40-taong pakikibaka ng Moro sa Kamindanawan.

“It remains to be seen whether or not the proposed Bangsamoro political entity will truly address the long-standing economic, political and ang cultural, political and cultural aspirations of the poor and oppressed majority of Moros. Or  will it merely prove to be the same dog with a different collar,” ayon kay Casiño.

Posible aniyang katulad din ito ng ARMM na matagal ding kinontrol ng mga prominenteng pamilya sa ARMM.

“(Maybe) expanded ARMM dominated by a different set of local elites pliable to the agendas of the national ruling clique and the united states, whose influence and vested interests in Muslim Mindanao cannot be downplayed,” giit pa ni Casiño.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply