Bansag na cyber martial law, pinalagan ng Palasyo

PINALAGAN ng Malakanyang ang bansag ng ilang sektor na cyber martial law ang ipinatutupad ngayong Cybercrime law.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na hindi kailanman inisip ng gobyerno na sikilin ang kalayaan ng bawat isa na ihayag ang kanilang saloobin lalo pa’t patas ang pag-implementa ng batas sa lahat.

“We are cognizant of the rights of our citizens and the law will be implemented with fairness and due process. We are aware of the opposition and we respect those who do so,” ayon kay Usec. Valte.

Hiniling ng Malakanyang sa mga stakeholders na may concerns sa Cybercrime Prevention Act na patuloy na makipag-dayalogo sa Department of Justice (DoJ) para sa isyung ito.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na ang dayalogo ay tugon sa anumang concerns ng  stakeholder at magiging katulong ang mga ito sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR).

“We urge the fullest and widest participation of stakeholders in this process,” ani Lacierda.

Dapat, aniyang, tandaan ng lahat na ang batas na ito ang nag-uugnay sa lahat.

Binigyang diin pa rin ni Lacierda na walang government entity ang kumilos upang hadlangan ang kahit na sinuman na magkaroon ng access sa Internet o tuluyang pigilan ang civil liberty na ginagawa ng isang indibiduwal sa online.

“In fact what has taken place is that hackers who claim to be aligned with critics of the Cybercrime Act are the ones who have engaged in online vandalism, depriving the broader public of access to much needed government information and services online,” ayon kay Lacierda.

Samantala, tinawagan naman ng pansin ng gobyerno ang mga kritiko ng Cybercrime Act na magsalita o ihayag ang kanilang saloobin laban sa online vandalism at bullying lalo na sa ilang probisyon ng batas sa mapayapang paraan.

“If our freedoms have been hard won, it would do us all well to remember that in the end, vigilantism harms the cause of freedom of expression and civil liberties for all netizens,” ani Lacierda.

Hackers perhuwisyo

Pperhuwisyo ang epekto ng ginawa ng mga hackers sa website sa nakakarami lalo na sa aspeto ng transaksyon.

Binigyang halimbawa ni Sec. Lacierda ang mga taong kukuha ng NBI clearance ay magda-dalawang biyahe pa ang mga ito para malaman kung ano ang kanilang requirements.

Ang mga nabiktima naman ng hacker ng Anonymous Philippines ay ang DoH, DSWD, Optical Media Board, Official Gazette, Senate website, National Bureau of Investigation, Philippine Nuclear Research Institute.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply