Barangay tanod binoga, malubha

KRITIKAL ang lagay ngayon ng isang barangay tanod matapos barilin ng isa sa apat na hindi pa nakikilalang mga kabataan sa Malolos Ave, Bagong Barrio Caloocan City, Sabado ng mdaling araw (Oktubre 20).

Inoobserbahan sa Manila Central University hospital si Crisanto Romeo, 33, may-asawa, tanod ng Brgy. 151 at residente ng Pelargon Alley, sanhi ng isang tama ng hindi batid na kalibre ng baril sa kaliwang parte ng katawan.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:40 ng madaling nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Malolos Ave. sa nasabing barangay.

Nabatid rumoronda ang biktima kasama ang barangay chairman na si Tony Cabrera. Pagsapit sa nasabing kalye ay binaril ng isa sa apat na menor de edad ang biktima.

Nagsipulasan ang mga suspek habang isinugod naman ni chairman Cabrera ang biktima sa nasabing pagamutan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad at nagpalabas ng manhunt operation ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply