Barbie at Derrick friends lang kuno!

SUPER tsika si John Lloyd Cruz  sa presscon ng ‘A Beautiful Affair’ na magsisimula sa Oct. 29 sa ABS-CBN 2. Matsika siya at very open na tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban.

Natitigilan lang siya pag tinatanong sa exclusive romance video nila ni Angelica na hawak ni Direk Ga. Gusto muna raw niya mapanood ito .

Pero parang nasa cloud 9 siya na ginawan siya ng kanta ni Angelica  entitled ‘Barcelona’ na mapakikinggan sa pelikulang ‘Madaling Araw, Mahabang Gabi’ na kinanta ni Glaiza De Castro.

“Ginawa kasi niya ‘yun, in that very moment talagang masayang-masaya siya. Hindi niya mapigilan and parang wala namang masama, e! Parang ini-express mo lang ‘yung kaligayahan mo,” deklara niya

“Napakagaan ng lahat, napakanatural. Napaka-fluent. Kumbaga walang hassle,” pagsasalarawan ni JLC sa 4 months relationship nila.

Wala raw rules sa relasyon nila, hindi pinipilit.

Anyway, hindi naman ito nakaaapekto sa sampung taon na tamabalan nila ni Bea Alonzo. Tanggap ng sambayanan kung wala man silang relasyon sa tunay na buhay. Kahit may Angelica si JLC at may Zanjoe Marudo naman si Bea. Kaya naman muli silang magtatambal sa ‘A Beautiful Affair’.

Unang magkakikilala ang arkitektong si Leon (John Lloyd) at ang herederang si Gen (Bea) sa Austria at agad na mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa para takasan ang dala-dala nilang kasawian – si Leon mula sa kalungkutan ng pagkamatay ng kanyang kinagisnang ina, at si Gen sa pait ng pagtataksil ng dating karelasyon.

Doo’y lilibutin nila ang Vienna at Salzburg at pilit na hihilumin ang mga sugatang puso. Ngunit sa kabila ng hindi maitatangging pagtitinginan ng dalawa ay magdedesisyon silang maghiwalay ng landas at ayusin ang kanya-kanyang buhay bago umibig muli.

Maituturing na isang “full–circle project” ang A Beautiful Affair dahil sa muling pagsasama ng mga taong bumuo sa tambalang John Lloyd-Bea sa kanilang unang Kapamilya teleserye, ang top-rating na Kay Tagal Kang Hinintay – ang business unit head na si Laurenti Dyogi na dating direktor ng naturang serye, at ang direktor na si Katrina Flores na dati’y nagsilbing headwriter nito.

Binubuo rin ang cast ng A Beautiful Affair ng mahuhusay na artistang sina John Estrada, Dimples Romana, John Arcilla, Jaime Fabregas, Maritoni Fernandez, Ana Roces, Janus del Prado, at Megan Young kasama sina Jim Paredes at PBB Unlimited Big Winner Slater Young sa kanilang kauna-unahang teleserye.

-0o0-

MAGKAIBIGAN lang raw sila ni Barbie Forteza ayon kay Derrick Monasterio.

Wala raw ligawan na nangyayari sa pagitan nila kahit bini-build up sila ngayon na magka-loveteam.

“Love can wait. Sa ngayon, strike while the iron is hot, kumbaga ito na yung biggest break ko, ngayon pa ba ako magloloko,” deklara ng alaga ni Manny Vallester.

Tinanong naman namin si Derrick tungkol kay Sarah Lahbati na dating na-link sa kanya at ngayon ay girlfriend na ni Richard Gutierrez.

“Sa totoo lang po masaya ako para sa kanya.”

Hindi  ba siya na-hurt na may ibang boyfriend na si Sarah?

“Hindi, hindi. Ang pakay ko lang naman po yung masaya siya e ngayon nakikita ko na masaya siya e di masaya na rin ako, di ba?”

Bakit nawala nga ang komunikasyon nila?

“Nagtaas po yung load company ng load,” pagbibiro ni Derrick.

“Hindi, kasi po busy po kami pareho so parang medyo nawawalan na po kami ng time para sa ano, iyon.”

Tanggap ba niya na tinalo siya ng isang Richard Gutierrez?

“Hindi, siyempre kuya Richard Gutierrez na yan, di ba po? Talagang sobrang taas po ng respeto ko sa kanya bilang kuya tsaka mabait naman po si kuya Chard, e.”

So ate na niya si Sarah?

“Hindi, wala, hindi  naman, magkaibigan pa rin naman po kami, iyon.”

Naka-move-on na ba siya kay Sarah.

“Naman, naman, oo naman.”

Tsuk!

-0o0-

SA Temptation Of Wife, first time na maging kontrabida ni Marian Rivera si Cherie Gil na may image na mataray. Natakot ba  siya?

“Hindi. Sabi ko nga ano, mahirap talagang mag-judge sa mga taong hindi mo pa talaga nakakatrabaho, na nariri- nig mo lang sa mga sabi-sabi. Kasi sweet siyang tao, ha?

“Mukha lang ‘Yeah, yeah!’ English tapos malakas ang boses pero hindi talaga, sobrang sweet niya.

“Alam mo minsan kakatok pa siya sa standby area, ‘Hi Yan!’ Ganun siya tapos aayusan ka pa niya.

Kaya sabi ko nga, ‘Ay ang sweet nito!’

“Pag nagkikita kami lagi kaming ‘Hi!!!’,” kuwento ni Marian.

Kaya hindi daw siya nahirapan na iarte na inaapi-api siya ni Cherie.

“Hindi naman, ang trabaho ay trabaho naman. Kaya naman yung paghiwalayin,” sey niya.

Mapapanood na sa Lunes, October 29 ang Temptation of Wife na pinagbibidahan ni Marian kasama sina Dennis Trillo, Rafael Rosell at Glaiza De Castro.

Masaya si Marian na kumita ang ‘Tiktik” The Aswang Chronicles’ na si Dingdong Dantes ang isa sa mga producers.

Si Marian ay may balak na ring mag-produce ng pelikula.

“Baka, oo.”

Balitang gagawin ulit ang Darna series na ginawa ni Marian noon, na ginawa rin ni Angel Locsin sa GMA bago si Marian.

“Okay lang ganun naman talaga, e. E nakailang ulit na rin ang Darna, ang Dyesebel, ang Captain Barbell so ganun talaga ang routine.

“Ito ngang Temptation Of Wife, Koreanovela nakatatlong palabas na, uulitin na naman, e. So ganun lang ang buhay, paulit-ulit.”

Talbog!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply