Barker sinaksak, kritikal

KRITIKAL ang kalagayan ng isang barker matapos itong patraydor na saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakaupo kagabi October 16, sa terminal ng mga sasakyan sa Paso de Blas, Valenzuela City.

Nakaratay at inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center si Anthony Macandag y Estrella, 38, binata, ng 4264 Bagbagin NPC Caloocan City sanhi ng isang malalim na saksak sa likuran.

Mabilis namang tumakas ang di pa nakikilalang suspek bitbit ang ginamit na patalim.

Ayon sa ulat, dakong alas 9:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa terminal ng jeep sa kalye Sta. Queteria tapat ng Puregold sa nasabing barangay.

Nabatid, nakaupo ang biktima ng palihim na lapitan ng suspek at walang sabi-sabi na nagbunot ng patalim at inundayan ng saksak ang nakatalikod ng biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima ay agad na dinala sa nasabing pagamutan.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply