Bartender tigok sa tarak ng ka-live-in

PATAY ang isang bartender nang masaksak ng kanyang kinakasama sa gitna ng kanilang pagpapambuno sa Sampaloc, Maynila, Lunes ng madaling araw.

Dead on arrival ang biktima na si James Soriano, 24-anyos, ng 664 Ventura St., Sampaloc, Maynila sa United Doctors Medical Center (UDMC) sanhi ng saksak sa dibdib.

Pinipigil naman ng MPD-Homicide Section ang suspek na si Cherry Coloma, 25, live-in partner ng biktima at residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa report ni PO3 Rodel Benitez ng MPD-Homicde Section, dakong 3:30 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng magka-live-in.

Sa imbestigasyon, umuwing nakainom ang biktima sa kanilang bahay.

Ayon sa suspek, tinanong lamang niya kung saan galing si Soriano at dito na nagsimula ang kanilang mainitang pagtatalo na nauwi sa pagpapambuno hanggang sa masaksak ni Coloma ang biktima.

Nang makitang duguan ang lalaki ay humingi ng saklolo ang babae sa kanilang kapitbahay at isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay na nang idating.

Nabatid na apat na taon nang nagsasama ang magka-live-in at nagkaroon ng isang anak na lalaki na dalawang taong gulang na ngayon.

Ayon sa suspek, madalas silang magtalo ng biktima dahil sa pera.

“Madalas umiinit ang ulo niya (biktima) sa tuwing nagtatanong ako ng pera.” ayon sa suspek.

Itinanggi naman ng suspek na selos ang dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway ng suspek.

Habang nasa ospital, inaresto ng mga kagawad ng MPD-Station 4 (Sampaloc) si Coloma.

Kasalukuyang nakalagak ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply