Basag kotse gang sa GenSan nabuwag

PINANINIWALAAN ng awtoridad na nabuwag na ang isang bigtime grupo ng mga basag kotse gang makaraang naaresto ng pulisya ang mga ito sa ikinasang entrapment operation sa Lungsod ng General Santos.

Ayon sa pulisya, modus ng mga suspek ang pagbasag ng salamin upang nakawan ang may-ari ng mga sasakyang nakaparada sa harap ng mga hotel sa lungsod na matagal na umanong mino-monitor ng pulisya.

Ikinasa ang operasyon ng mga pulisya ng Davao City at Gensan City Police Office para madakip ang mga suspek.

Unang nahuli ang isang Tristan Sumaong, 40-anyos, residente ng Barangay City Heights. Nahuli rin ang isang Melani Gulfan, residente ng Barangay Fatima; Joey Aguirre, residente ng Barangay West; at isang Leonardo Medel, na mula sa Agdao, lungsod ng Davao.

Napag-alaman na ibebenta sana ang mga gamit na nakaw ng mga suspek gaya ng laptop, camera subalit nalaman na nakaw ang kanilang mga ibinebenta na galing sa isang Henry Chua kaya nahuli ang apat na mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply