Basura ni Mayor San Pedro at ‘di malapitan sa Caloocan

MAGANDANG labanan ang masasaksihan ng mga taga-Caloocan City sa 2013.

Sa pagka-alkalde, maghaharap sina Oscar Malapitan at ang anak ni Mayor Recom na si Liga ng mga Barangay National President Ricojudge Echiverri.

Samantalang sa 1st Dist. naman kung saan tatakbong kongresista ang patapos na sa terminong si Mayor Recom Echiverri ay makahaharap niya ang anak ni Oscar na si Kon. Along Malapitan.

Ayon sa ilang local political analyst, ang malaking problema ng mag-amang Malapitan dahil walang gustong tumaya o magbigay ng financial na suporta sa kanila.

Dahil halos alam nang sa basurahan pupulutin ang mag-amang Malapitan.

Bistado na pala ng mga taga-Caloocan na taliwas sa kanilang apelyido ang ugali.

Ibig sabihin, parekoy, hindi raw ito totoong malapitan sa tunay na buhay!

Tsk, tsk, tsk, kung totoo na sa tunay na buhay ay hindi nga ito malapitan kung may problema ang kanyang mahihirap na mga kababayan, aba eh, tagilid nga, parekoy!

Lalo na kung walang magbibigay ng financial na suporta, nakupow, tiyak na sa kangkungan dadamputin itong mag-amang Malapitan na hindi naman pala tunay na malapitan!

Better luck next time!

-o0o-

ILANG text message ang ating tinanggap mula sa mga residente ng Graceville, San Jose del Monte, Bulacan, kung saan kanilang inirereklamo ang napakabahong basura sa kanilang lugar na tatlong buwan nang hindi ipinahahakot ni Mayor San Pedro.

Ayon sa mga residente, maging si Brgy. Captain Lyn Garcia ay wala umanong ginagawa upang maobliga ang city government na hakutin ang nasabing mabahong basura!

Kung ako sa iyo, Mayor San Pedro, huwag mo nang hintayin pa na may magkasakit muna na mga residente r’yan.

Dapat ay ipahakot mo na hangga’t maaga ‘yang mabahong basura kung hindi mo gusto na ang iyong “political career” ang ibasura ng iyong mga kababayan. O, baka naman basura na ang iyong mga kababayan sa paningin mo?

-o0o-

REACTION / SUMBONG
0915212130/309098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply