‘Bata-bata system’ sa PNP bubuwagin

PURSIGIDO si Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na linisin ang mga ahensya na nasa kanyang pamunuan sa pamamagitan ng kanyang tatlong programa.

Una sa kanyang programa ay ang “principle of wholesale rather than retail,” ang pangalawa naman ay ang pagkakaroon ng nationwide emergency hotline number at ang pangatlo ay tanggalin ang “bata-bata system” sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Sec. Roxas sa ginanap na monthly general membership meeting ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP), ang bata-bata mechanism ang sumisira sa imahe ng kapulisan dahil dito nagsisimula ang suhulan o kotongan.

Sa pamamagitan din aniya ng bata-bata system, ay lumalakas ang loob ng mga pulis na gumagawa ng kababalaghan sa tungkulin dahil alam nilang hindi sila papabayaan ng kanilang superior officers.

Samantala, tiniyak din ng kalihim na gagawin ang lahat para maging mapayapa ang 2013 midterm elections.

Ayon kay Roxas, kung kailangang ikasa ng mas maaga ang suspension ng gun ban ay ipapatupad niya ito upang matiyak ang kaayusan sa halalan lalo na sa mga matutukoy na hot spot areas.

Nagpahayag din si Roxas na patuloy ang pakikipagtulungan ng DILG sa KBP gaya ng dating nasimulan ni yumaong DILG secretary Jesse Robredo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply