Bataan, Davao nilindol

MAGKASUNOD na nakaranas ng lindol ang Bataan at Davao del Sur kaninang madaling araw.

Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang alas-12:32 ng madaling araw nang tumama ang magnitude 2.7 na lindol sa 74 kilometro silangan ng bayan ng Don Marcelino sa Davao Del Sur.

Habang dakong alas-2:53 ng madaling araw naman nang lindulin ng may magnitude 4.7 ang 28 kilometro kanluran ng Mariveles, Bataan.

Kapwa tectonic ang origin ng dalawang lindol at wala nang inaasahang aftershocks.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply