Batang Pinoy aarangkada na sa Northern Luzon

UUMPISAHAN na bukas ang Northern Luzon leg ng 2012 POC-PSC Batang Pinoy Games sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan.

May 12 sports ang lalahukan ng mga batang atleta na may edad-15 pababa para pag-agawan ang mga slot sa national championship bago matapos ang taon.

Ang mga sport na pagtatagisan ng galing ng mga batang Pinoy atleta sa ikatlong leg ay ang badminton, table tennis, arnis, athletics, boxing, karatedo, lawn tennis, swimming, taekwondo, baseball at chess.

Aabot sa 300 atleta ang ipaparada ng Pangasinan. Hindi pa kasama dito ang delegasyon ng Dagupan at Alaminos.

Makikilatis ang galing ng mga pambato ng host province sa mga bigating mga pandayong atleta ng La Union, Ilocos, Baguio City, Bulacan, Pampanga, Zambales, Nueva Ecija, Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Nagsimula ang POC-PSC Batang Pinoy Games sa Marikina noong nakaraang buwan.

Sa Iloilo magtatagisan ang matitinding atleta sa five-legs para sa national championship na gaganapin sa Disyembre 5-8.

Ang ibang magho-host ay Oriental Mindoro sa Southern Luzon qualifying sa Okt. 24-27, sa Cagayan de Oro ang Mindanao leg (Nob. 7-10), at Visayas qualifier (Nob. 21-24) sa Tacloban City, Leyte.

Mabibigyan ng slots sa national development pool ang mga medal winner sa national championship at puwede ring maging pambato ng Pilipinas para sa 2014 Youth Olympic Games.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply