Batang Pinoy lalarga sa Southern Luzon

MAGRARAMBULAN na bukas, (Oktubre 23) ang mga batang atleta sa Philippine Olympic Committee-Philippines Sports Commission Batang Pinoy Games Southern Luzon leg sa Jose Leido Memorial High School Track Oval sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Magtatagisan ng galing ang mga Batang Pinoy na may edad 15-anyos pababa sa athletics, swimming, lawn tennis at taekwondo sa JJ Leido Memorial National HS, arnis at chess sa Adriatico Elementary School Gym, badminton sa Anahaw Resort, boxing sa Calapan City Plaza, karatedo at table tennis sa Neo Calapan Mall, at wrestling sa Brgy. Sto. Niño Covered Gym.

Nauna ng nagpakitang-gilas ang mga bata sa Marikina City (National Capital Region leg), at Lingayen, Pangasinan (Northern Luzon) kung saan mga magwawaging atleta sa bawat leg ay maghaharap-harap sa national championships sa Iloilo City sa Dis. 5-8.

Ang top performers ng Batang Pinoy ay puwedeng makasama sa national team na kakatawan sa bansa sa 2014 Youth Olympics sa Nanjing, China.

Ang host Oriental Mindoro province, Calapan City, Laguna at Cavite ang mangunguna sa Southern Luzon leg kasama ang mga kinatawan ng Lucena City, Antipolo City, Dasmariñas at Imus sa Cavite, Lucban sa Quezon, at San Pedro at Sta. Rosa sa Laguna.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply