Batas vs political dynasty, hiniling sa SC

KINUWESTIYON na sa Korte Suprema ang diumano’y kawalan ng aksyon ng Kongreso laban sa pamamayagpag ng mga political dynasties sa bansa.

Iyan ay sa pamamagitan ng 26-pahinang petition for mandamus na inihain sa pangunguna ni Volunteer Against Crime and Corruption o VACC Founding Chairman Dante Jimenez.

Kabilang din sa mga petitioner sina Dating Vice President Teofisto Guingona, Atty. Leonard De Vera, Eduardo Bringas, Vicente Velasquez at Retired AFP General Raymundo Jarque.

Sa kanilang petisyon, pinuna ng mga petitioner ang diumano’y pagiging manhid ng mga traditional politician sa sangay ng Ehekutibo at Lehislatibo kasama na ang mga nasa lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, hiniling nila sa Korte Suprema na atasan ang Kongreso para magpasa ng batas na tutukoy sa kahulugan at magbabawal sa pamamayagpag ng mga political dynasty.

Ginawa ng mga petitioner ang kahilingan dahil umano sa pagmamatigas ng Kongreso na gampanan ang kanilang tungkulin gayong malinaw umanong nakasaad sa Article 2 Section 6 ng Saligang Batas na ipinagbabawal ng estado ang pag-usbong ng political dynasty.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply