Battle of Subic main gate bridge

PINAGKAKAGULUHAN ang Main Gate Bridge ng Subic Bay Freeport sa milyon-milyong dahilan.

Ito Ang Totoo: bagama’t ang tulay ay dapat concern ng DPWH, nasa pangangasiwa at pangangalaga naman ito ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Walang problema sa SBMA at DPWH, sa panig ng Olongapo City sa unofficial capacity ng isang Jimmy Lo-renzana alyas JLo na wala namang official designation liban sa pagiging pamangkin ni Mayor Bong Gordon, ang problema, as usual.

Kapag kaperahan kasi, si JLo ang prente ni Mayor Gordon. Sa mga sandaling ito, walang pakundangang tinatayuan ng mala-squatter na mga  stall ang Main Gate bridge sa pamumuno ng isang nagngangalang Laiza na umano’y nagbayad ng P2 M kay JLo para sa karapatang magpaupa ng mga stall sa tulay sa mga biyaherong manininda hanggang Enero ng susunod na taon.

Walang pakundangang pambabastos sa SBMA ang ginagawa ng pamangkin ni Mayor Gordon na nagsasabing wala umano siyang kinalaman dito.

Ito ang Totoo: simple lang kung wala talagang kinalaman si Bong Gordon dito – utusan niyang tumigil si JLo sa panggugulo at panghi-himasok sa hindi naman jurisdiction nito.

Meron naman nang night market malapit rin sa Main Gate bridge sa kahabaan ng Columban St. (dating Perimeter) na may stalls na rin matapos, ayon kay Laiza, na nag-advanced umano siya ng iba pang P3 M kay JLo pa rin.

Ang matindi nito, pinag-uusapan pa lang sa konseho kung papayagan o hindi ang pagtatayo ng night market na kinokontra ng mga lokal na negosyante.

Katunayan, kung fund raising umano ang gusto ng lungsod, nag-alok na ang negosyanteng si Conrad Tiu na siya na ang magbibigay ng cash kung magkano man ang inaasahang kikitain sa night market, at daragdagan pa niya, huwag na lang ito ituloy.

Pero si JLo, hindi interesado dahil kung ganoon, papasok lahat ng pera sa kaban ng bayan at siya, at si Bong, alam n’yo na, iyong kuwan, iyong ano, ay wala na, ganoon po ba? Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply