Bautista at Tabora todo ensayo sa Bowling

MALULUPIT ang makakalaban nina RJ Bautista at Krizziah Tabora sa 2012 Bowling World Cup International finals kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nila ito upang makapag-uwi ng karangalan para sa bansa.

Sinabi ng 21-anyos na si Tabora na kailangan nilang mag-ensayo ng husto dahil mahigit 100 bansa na pawang mga world class bowlers ang sumasali sa nasabing prestihiyosong event sa tenpin.

Si Tabora na estudyante ng Miriam College ay pinagulong ang llamadong si veteran national bowler Liza Del Rosario sa World Cup national qualifiers, 2-1 (210-205, 162-184, 246-181), na ginanap sa SM Bowling Center sa North EDSA.

Isang matinding hamon naman sa bowling career ni Bautista ang pag-asinta sa king pin sa world cup dahil makakaharap nito ang mga matitinding magpaikot ng bola sa buong mundo.

Sinibak ng 34-anyos Bautista si Chester King sa national qualifying stage, 2-0 (280-195, 222-195).

Gaganapin ang nasabing event sa darating na November 24 hanggang December 2 sa Wroclaw, Poland.

Pangalawang sabak pa lang ni Bautista sa Cup, pumang-walo siya noong 1999.

Ang mga World Cup winner pa lang na Filipino ay sina four-time champion Paeng Nepomuceno, Bong Coo, Lita de la Rosa at CJ Suarez.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply