Bea Binene ilalampaso ni Jodi Sta. Maria

SINABI ni Bea Binene with full confidence na hindi sila magbibigay ng public apology kay Atty. Ferdinand Topacio. Malakas ang loob niya dahil hindi siya madedemanda rito dahil na rin sa murang edad nito. Pero ang hinihingian ni Attorney nang paumanhin ay ang nanay nitong si Carina na nagdadakdak nang wala sa ayos.

Anyway, maaaring magamit ang isyu na ‘yan dahil malapit na palang ipalabas ang morning drama series ni Bea na Cielo del Angelina na itatapat daw sa Be Careful With My Heart ng ABS-CBN na pinagbibidahan naman nina Jodi Sta. Maria at Richard “Papa Chen” Yap.

Pero ayon kay Jodi, “Wala namang problema. Friendly competition lang naman po ito,” pahayag ng aktres na mas kilala na ngayon ng sambayanan bilang si Maya, ang trusted yaya ng kanyang Sir Chief, na ginagampanan naman ni Richard Yap.

“Ang sa akin po, kung ‘yung show nila ay makakapag-promote din po ng good values, optimism, and will also send out good vibes to the TV viewers, bakit naman hindi? Tsaka, mas maraming trabaho for everybody, mas masaya!”

Naniniwala din siyang patuloy silang susuportahan ng TV viewers dahil na rin mismo sa hatid nilang kakaibang gaan at gana sa umaga. “I must say na kakapit pa rin sila sa amin because of the lightness of the show,” aniya. “Everytime they watch ‘Be Careful With My Heart,’ makalilimutan nila ‘yung problems nila. Nakaka-relate din kasi sila sa characters namin. And every single day, they learn something new from Maya.”

***

Mario Maurer mainit na tinanggap ng mga Pinoy sa ASAP Singapore

MARIO Maurer admits that the Pinoy in him came out when he guested at the ASAP Show in Singapore last Sunday.

“I’m very happy to be with Filipinos!” He said when he was called to appear on stage for a production number.

Mismong mga artista’t host ng ASAP ay na-excite nung makipagkilala kay Mario na totoo namang ikinamangha ng napaka-guwapong Thai actor dahil nakipag-picture taking pa ang mga ito sa kanya.

Ang tagal-tagal nitong nakasama ang mga Pinoy hosts at inamin niyang hindi siya nahirapang mag-adjust sa mga Filipinos. These stars were just as starstruck as Mario was over them kasi hindi niya akalain na marami ring mga celebrity sa Pilipinas na gusto siyang makilala.

Walang tigil ang pag-focus at clicking ng mga digicameras at iphones para makunan ng video at litrato ang Thai star with the ASAP stars pero talagang naka-center of attention si Mario who was all-game with the audience and the ASAP artistas.

Nakipagkamay, nakipagyakapan at kumaway nang kumaway si Mario kahit kanino.

Kaya pala at the end of the show, naobserbahan ng mga staff na at ease na at ease ang guwapong Thai heartthrob kung makihalubilo sa mga Pilipino. Alam kasi niyang nasa magandang mga kamay siya. “I immediately felt like I was close to Filipinos!” ayon pa sa leading man ni Erich Gonzales sa Suddenly Its Magic ng Star Cinema na palabas na sa October 31.

Mapanonood ang ASAP Singapore featuring Mario Maurer on October 22 and October 29 sa ABS CBN.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply