Bea Binene, may sorpresa si Mr. Ben Go sa kanyang anak sa birthday nito sa Nov. 4!

MASAYA ang ama ni Bea Binene na si Ben Go sa success na tinatamasa ng anak sa ngayon. Biro mo, hindi siya maka-paniwala nang marinig niya ang anak na umaawit over the radio sa isang FM station ng isang song na culled from her debut album na Hey! It’s Me, Bea, na released ng Poly-East records.

Ipinagmamalaki talaga niya sa kanyang kapwa businessman na ang kanyang anak ay recording artist na.

Sa kuwento ng mother ni Bea na si Carina Binene, ang amang si Ben ang nagpursige para dalhin sa isang voice coach ang anak sa edad na two years old dahil noon pa man, mahilig nang kumanta ito.

Sabi ni Mommy Carina, mismong si Daddy Ben pa ang nagdadala ng album ng anak sa mga kaibigan niya para ipagmalaki ito. Bukod pa rito, kung dati-rati’y di ito natutuwa sa pag-aartista ng anak, ngayo’y payag na payag na ito lalo na’t nakikita niyang future superstar si Bea ng GMA 7.

First sina Bea at Jake Vargas na bibigyan ng solo soap opera, ang Angelina del Cielo, sa umaga ng Kapuso Network na mapanonood from Monday to Friday.

Dahil sa katuwaan sa anak, si Daddy Ben ni Bea ay balitang may inihahandang sorpresang gift sa anak sa 15th birthday nito sa Nov. 4.

Ano kaya ito?

Binigyan nga pala si Bea ng gold record award sa Party Pilipinas ng Galaxy Records at Polyeast Records. Sa nga -yon, on the road to being platinum na ang debut album ng Kapuso actress.

Kita naman kasi namin sa kanyang mga mall shows na maraming fans ni Bea ang bumili at pumipila sa kanya para magpa-pirma at magphoto shoot na kasama ang kanilang hinahangaang tween star.

***

MISMONG ang maybahay ni Laguna Gov. ER Ejercito na si Maita Sanchez-Ejercito, ang mayor ng Pagsanjan, Laguna, ang lalabas sa character bilang si Teodora Agoncillo sa movie na El Presidente kung saan bida sina ER at superstar Nora Aunor.

Kahit maliit ang role ni Mayor Ejercito, masaya siya sa participation niya sa movie na ginastusan ng P100 million na kayang ipagmalaki ng Pilipinas kapag ipinalabas na ang movie sa abroad.

Ipinakikita sa movie na kasama ni Mayor Maita ang anak na si Julia na gumagawang kauna-unahang watawat ng Pilipinas.

Kasali ang movie sa 2012 Metro Manila Film Festival at umaasa si Gov. ER na hahakot ito ng awards. Kapag naging no.1 ang movie sa takilya, sinasabi ni Gob na bonus na ito sa kanya.

Sa ganda ng pelikula, tiyak na multi-awarded na naman ito sa MMFF tulad nang nangyari last year sa movie ni Gob, ang Manila Kingpin, Asiong Salonga Story.

Bukod sa best picture ng filmfest, nakamit rin ni Gov. ER ang best actor trophy di lang sa MMFF kundi sa iba pang award-giving bodies tulad ng Star Awards for Movies, Luna Awards, PASADO Awards at FAMAS Awards.

Ginamit na kulay sa El Presidente ay pastel color. Kasi, isa itong period movie na talagang sa costumes lang ay ginastusan na nang husto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply