Bea matigas ang ulo kaya tinuluyan ni Atty. Ferdinand Topacio

NAKA-jamming namin last Wednesday eve ang kontrobersyal na lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio sa kanyang singing stint sa Merk’s bar along Pasay Road. Typical of the controversial lawyer, cool na cool lang ang kanyang drama every time he would be asked about the state of things between him and the Binenes.

Sa totoo, wala naman raw sanang balak magsampa ng demanda ang mabait na lawyer pero dahil sa tipong ang pakiramdam niya’y he was being taken for a ride, itinuloy na niya ang civil case laban sa GMA starlet na si Bea at sa ina nitong si Carina.

As previously planned, sa Batangas niya isinampa ang demanda.

“Ang sa akin lang naman,” averred the famed lawyer while he was waiting for his stint at Richard Merk’s cocktail lounge, “we can always talk things out like friends do.

“Hindi kinakailangang mag-apologize sila sa akin o ako sa kanila,” he asseverated. “We could make a joint statement that after talking things out, we decided to settle everything amicably like friends do and the public would be reading our joint statement.

“Pero ayaw nga nila,” he elucidated, “I have no choice but to really sue them so I could salvage my dignity as a person.”

Oo nga naman.

Kung bakit naman kasi nagmamatigas pa ang mag-inang ito at mas gusto pa yatang maabala sa mga long drawnout cases na ‘yan na malaking abala talaga ang idinudulot.

Anyhow, mabait pa nga si Atty. Topacio dahil civil case lang ang isinampa niya. ‘Yun nga lang, in the faraway Batangas at kung totoyoin pa, baka sa napakalayong lugar pa sila maidemanda kung saan sandamakmak ang lupain ng mabait na abugado. Hahahahahaha!

Anyway, cases like this, I simply would want to shun away from. Mag-isip-isip sana muna sina Bea at Donia Carina para wala na silang problema.

On to other things, na-shock ako sa husay kumanta ni Atty. Topacio.

May K pala talaga siyang maging entertainer dahil buo ang kanyang boses at di nakasasawang (o, hayan, Bubonikang super idiota, salitang ugat ang inuulit!
Tonta! Hahahahahahaha!) pakinggan.

This man is indeed a genuine pool of talents.

No wonder, ang daming tao sa cocktail lounge ni Richard Merk that evening.
Kahit kasi sa production numbers nila ni Richard M., di talaga siya nagpakabog sa mahusay na entertainer and was able to hold on his own side by side with the highly talented guy.

Anyway, mas maraming tao that evening dahil roon ginanap ang birthday party ni Madam Crispina Belen who was wearing a flaming red cocktail dress.

Double treat talaga sa mga taong in attendance. Atty. Topacio na, may Faith Cuneta pa, Evangeline Pascual at marami pang iba.

Go kayo roon every Wednesday eve for a wonderful night of music.

***
Heart Evangelista at Chariz Solomon sa halloween episode ng I-Bilib

NGAYONG Linggo (October 28), panoorin ang isa na namang nakamamanghang episode sa pagpasok ni Chris Tiu at Moy-moy Palaboy sa mundo ng siyensiya sa I-Bilib.

Kasama sina Heart Evangelista at Chariz Solomon, gagawa ang barkada ng isang Breakable Pumpkin. Isang jack-o-lantern ang kanilang pagyeyeluhin at sisirain din matapos buhusan ng liquid nitrogen.

Tingnan ring mabuti kung paano nila pag-a-apuyin ang gabi sa kanilang Flaming Pumpkin. Makagawa kaya sila ng apoy sa loob ng isang jack -o-lantern nang hindi ito nasusunog?

Sa pamamagitan ng polymer sa loob ng baby diaper, makagawa nga kaya sila ng Instant Ice?

Matutunghayan na sa Bilibabol Science Challenge kung paano magiging Pool of Smoke ang isang pool of water ga- mit lamang ang liquid nitrogen. Posible nga ba ito?

Optical Illusions naman ang ipakikita sa Show and Tell. Mapagagalaw nga ba ang dalawang gear sa pamamagitan lamang ng paggalaw ng ulo? Tatlong mukha makikita sa iisang portrait?

Sama na sa pagpasok ng buong barkada ng sa mundo ng siyensya ngayong Linggo (October 28) sa I-Bilib sa GMA7.

***

Reporter’s Notebook walong taon na!

WALONG makabuluhang taon. Walong mahahalagang sektor. Walong maiinit na isyu.

Ang award-winning investigative news magazine program na Reporter’s Notebook ang kauna-unahang public affairs show na maglulunsad ng election-related special reports sa pamamagitan ng “Sektor”, isang eight-part series na handog ng programa sa ika-walong taon nito sa telebisyon.

Mula October 2012 hanggang May 2013, mag-uulat ang “Sektor” ng buwanang special reports na mag-iimbestiga sa mga isyung naka-aapekto sa walong batayang sektor ng lipunan na itinuturing na pinakamahirap ayon na rin sa taunang pag-aaral ng gobyerno. Ito ay ang mga sumusunod: mangingisda, magsasaka, mga bata, self-employed/unpaid family workers, kababaihan, kabataan, migrant at formal sector, at senior citizens, saad ng National Statistical Coordination Board.

Bukod sa paglalahad ng kanilang mga kalagayan, bawat report ay tatalakay sa pag-aaral sa mga nakaraang progra- ma at kasalukuyang polisiya na ipinatutupad ng administrasyon. Aalamin rin kung sapat nga ba ang mga kinatawan ng bawat sektor sa gobyerno kung ang pagtugon sa mga pangangailangan ng marginalized groups ang pag-uusapan.

Ang “Sektor” ay pagpapatuloy lamang ng Reporter’s Notebook sa layunin nitong makapagbahagi ng mga impormasyon patungkol sa mga isyu na may kaugnayan sa eleksiyon ng 2013.

Noong 2007, nagkaroon ang Reporter’s Notebook ng election series na tumalakay sa mga isyu gaya ng vote buying, campaign expenses at contributions, election hot -spots, election-related violence, political dynasties, celebrities in politics at maging ang mga tinaguriang nuisance candidates. Taong 2010 naman nang ipalabas nito ang Vice Presidentiables Series, kung saan nagkaroon ang programa ng panayam sa lahat ng mga tumakbo noon sa pagka-Bise Presidente.

Sa October 30, samahan sina Jiggy Manicad at Maki Pulido sa kanilang paglalakbay patungong Zamboanga City, Surigao del Norte hanggang Jolo, Sulu upang tuklasin ang tunay na kinakaharap ng pinakamahirap na sektor ng ban- sa at alamin ang mga kasagutan sa kanilang mga daing.

Huwag palalampasin ang Sektor: Mangingisda, Lambat ng Kahirapan ngayong Martes, ika-30 ng Oktubre pagkatapos ng Saksi sa GMA!

***
Zsa Zsa willing to give another try

ESKALERA ang ganda ni Zsa Zsa Padilla nang humarap siya sa working press a couple of days ago in connection with a new endorsement – ZO Skin Health. It’s the newest product line from Dr. Zein Obagi and one of the main
reasons why the talented diva is younger-looking these days and blemish free.

A couple of months ago, Ms. Zsa Zsa had the most trying moments in her existence.

She had very little sleep then, irregular eating pattern, was into deep-seated depression and practically no time to exercise and had some hormonal changes to boot.

But looking at her lately, she seems to be the personification of the phoenix rising from the ashes of despair and disillusionment that she got entangled into.
Apart from the support given by her innumerable friends, she confessed that she also relied on the potency of Dr. Zein Obagi’s latest creation – the ZO Skin Health and Medical Systems.

“At 48,” Zsa Zsa confessed, “I’ve been through so much. “I looked in the mirror and saw a stranger looking back at me.

“My face was sagging, it was badly in need of a lift. I’m so glad to have found and used products that the authority in skin health has formulated.”

Anyway, now that her beauty is once again peaking, the divine diva confessed that she’s more than willing to give love another try.

Dapat lang naman. After all, she has many fruitful years ahead of her pa, she might as well use it to further envelop herself with happiness and fulfillment.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply