Bebot binoga sa mukha, todas

TODAS ang isang babae na hindi pa batid ang pangalan makaraang barilin ng hindi pa rin kilalang suspek sa Kahilum, Pandacan, Maynila.

Base sa salaysay ng nakasaksing tricycle driver, nakita niya ang biktima na may kausap na lalaki. Niyakap ng lalaki ang biktima at binaril sa mukha gamit ang kalibre 45 na baril.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Titingnan naman ng mga imbestigador ang closed-circuit television (CCTV) na nasa tapat lamang ng crime scene kung nakuha ang pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply