Bebot huli sa pang-uumit ng gatas at shampoo

KALABOSO  ang 26-anyos na babae matapos mang-umit ng  gatas at shampoo  sa   isang 7-11 franchise store  sa Ermita, Maynila.

Nakakulong na sa Manila Police District –Police Station 5  ang suspek na si Joanna Marie Balbino, walang permanenteng tirahan.

Sa ulat ng MPD-PS5, pumasok ang suspek sa isang franchise  ng 7-11 convenience store na pag-aari ni Mei Sum Chan, 45,  at matatagpuan sa kahabaan ng Sta. Monica St., Ermita, Maynila kahapon.

Ilang minutong nagpaikot-ikot  ang  suspek sa loob  ng tindahan  at nang makatiyempo ay saka isinilid ang inumit na powdered milk at shampoo na nagkakahalaga lamang ng P40.00 sa kanyang damit.

Napansin naman ito  ng ilang  empleyado ng 7-11   ngunit hinintay munang  dumaan sa counter sa pagbabakasaling babayaran din nito ang kinuhang item  subalit nagtuloy-tuloy lamang ito sa exit door dahilan upang siya ay habulin at pigilin saka itinawag sa pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply