Bebot kulong sa pagnanakaw ng alahas

KULONG ang isang bebot matapos sikwatin ang mga nakadisplay na mga silver necklace at singsing sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Wilma Pedrosa, 23, ng Sitio Militar, Toro Ibaba, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, nagkunwaring costumer ang suspek sa tindahan ni Pancho Calvo, 23 sa PSQ Plaza sa Reparo Road, Baesa ng lungsod at kunin ang tatlong kuwintas na silver at dalawang singsing na nagkakahalaga ng P6,300.

Isang Darwin Peñafort ang nakakita at nagsumbong sa biktima na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis na nasa ground floor ng nasabing gusali.

Agad na hinabol ang suspek at nang maabutan ay nabawi ang mga tinangay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply