Bebot may pasak na kahoy ang ari natagpuan patay

MAY pasak ng kahoy ang ari nang matagpuan ng mga pulis ang bangaky ang isang babae sa loob ng isang ginagawang gusali sa De Guzman St. Toril, lungsod ng Davao kaninang umaga.

Kinilala ang biktima sa pangalang Adelaida Aragon, alyas Inday, 45, entertainer sa iba’t-ibang mga videoke house ng Toril area at naninirahan sa Talomo Beach, Barangay Talomo, Davao City.

Malaki ang hinala ng mga awtoridad na ang suspek sa krimen ang
caretaker ng ginagawang gusali na si Boboy Tapunan, 27, nanirinahan sa
Kabili, Panabo City, na tumakas matapos ang krimen..

Ayon kay P/C/Insp. Angel Sumagaysay, hepe ng Toril Police Station, wala nang buhay at duguan ang biktima ng matagpuan dakong alas 6:00 kaninang umaga.

May malaking sugat ito sa ulo, wala na ang underwear at may isinaksak
pang kahoy sa ari.

Dagdag pa ni Sumagaysay, tumawag sa telepono ang suspek na si Tapunan
sa may-ari ng gusali at nagpa-alam na aalis dahil may napatay siya na
isang tao na pumasok at nagtangkang magnakaw.

Ayon sa mga pulis dahilan lamang ng suspek ang sinabi nito sa kanyang
amo para takasan ang ginawang krimen.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Toril PNP sa nasabing krimen upang
malaman ang tunay na pangyayari at matunton ang kinaroroonan ng
suspek.

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply