Bebot na drug pusher binoga, todas

BUMULAGTA sa eskinita, ang isang babaeng may bitbit na sachet ng shabu at marijuana matapos barilin ng dalawang armadong motorcycle in tandem sa Quezon City, Miyerkules ng gabi (Oktubre 24).

Nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa likod ng ulo na lumabas sa mukha ang biktimang nakilala lamang sa alyas Booba B2

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nagkasa ng pamamaril at maging ang motibo sa krimen pero malaki ang paniwalang may kinalaman ito sa droga.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigaton and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente dakong alas-9:30 nitong Miyerkules ng gabi sa Basilan St., Salam compound sa Barangay Culiat.

Ayon kay Basheer Elam, residente sa lugar bago ang insidente ay nakita ang biktima na nagmamadaling umalis sa lugar bitbit ang dalawang bag.

Pero habang naglalakad, biglang dumating ang mga suspek at binaril ang biktima.
.
Nang siyasatin ng mga tauhan ng CIDU ang laman ng dalawang bag ng biktima ay nadiskubreng nakaipit sa isang notebook ang isang sachet ng shabu, habang sa isa pang bag ay nakita ang isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Dahil hindi naman tagaroon sa nasabing lugar ang biktima, naniniwala ang pulisya na kundi onsehan sa droga ay kumalas na sa sindikato ng droga ang napatay na babaae.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply