Bebot na parak ipakakalat ngayong Undas

IPAKAKALAT sa mga lansangan ang female traffic police personnels sa araw ng Undas (All Saints’ at All Souls’ Day) para matiyak ang kooperasyon ng mga tsuper ng bus.

Sinabi ng Philippine National Police’s Highway Patrol Group na tiwala sila na ang kanilang policewomen ay mas malalambing at hindi brusko tulad ng mga lalaking pulis.

Sinabi rin sa ulat ng HPG na ang mga female police personnel ay mas magiging mabilis sa pagresponde sa isang sitwasyon na nangangailangan ng first aid dahil puwede nilang ibigay agad sa mga babeng biktima.

Nitong Martes ng umaga, inispeksyon ng HPG ang mga bus terminal sa Metro Manila para alamin ang roadworthiness ng mga bus na nagdadala ng pasahero sa mga probinsya sa panahon ng Undas.

Kabilang sa mga ikakalat sa mga national highway ay ang PNP Highway Patrol Group teams para magkasa ng random checks sa mga bus.

“We check at random lalo ang pauwi sa probinsya na buses. Dapat may extra driver para maiwasan ang exhausted na driver,” pahayag ni PNP-HPG spokesman Superintendent Edwin Butacan.

Ininspeksyon ng tauhan ni Butacan nitong Martes ng umaga ang Araneta Bus Terminal sa Quezon City, na maraming bus ang bumibiyahe sa mga probinsya.

Lumabas na ang lahat ng bus companies ay handa at preparado sa taunang exodus.

Pero patuloy aniyang titignan ang roadworthiness ng mga bus, at ng mga tsuper para malaman kung sila ay lasing o pagod.

Ngayong araw magsisimula ang mga Pinoy na pumunta sa kani-kanilang probinsya para sa taunang pag-obserba ng Undas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply