Bebot na tulak laglag sa bato

HIMAS-REHAS ngayon ang isang tulak na bebot matapos arestuhin sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City kahapon, Oktubre 11.

Nakilala ang suspek na si Emma Dayawan, 42 ng Dagat-dagatan, Longos ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa nasabing lugar matapos makumpirmang nagbebenta ng shabu ang suspek.

Nang iabot na ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu kapalit ng P500 sa pulis na umaktong poseur buyer ay agad na dinamba ito at binitbit sa presinto.

Samantala, kulong ang isang binatilyo matapos nahulihan ng sumpak sa Valenzuela City kahapon ng tanghali.

Nakilala ang suspek na si Joven Valenzuela, 18 ng Bon-Bon Ville, Ugong ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali, nakita ng guwardiyang si Leonardo Cuadra, 56 ang suspek na may dalang sumpak sa tapat ng Sitero Francisco National High School sa Monica Subd., Ugong ng lungsod.

Agad na dinamba ni Francisco ang suspek at nakuha ang sumpak nito at saka dinala sa presinto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply