Bebot natagpuang dedbol sa hotel sa QC

ISANG bangkay ng  hindi  pa nakikilalang  babae ang natagpuan sa loob ng isang hotel  sa  Quezon City kagabi Oktubre 28, 2012.

Inilarawan ang biktima na tinatayang nasa 30  hanggang 35-anyos , maputi,  nakasuot ng itim na polo shirt at itim na pantalon.

Sa ulat ni PO3 Jay Gavina ng Quezon City Police District Cubao Police Station 7, naganap ang insidente sa pagitan ng 10:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi kahapon sa loob ng room # 409 ng Spring hotel na matatagpuan sa # 14 Pinatubo St., Cubao, Quezon City .

Sa  ulat, nag-check-in  ang biktima sa loob ng hotel pasado alas 9:17 ng umaga noong Sabado.

Matapos  ang oras ng check-in  ng biktima ay kinatok na ito upang ipaalam na time out  na, ngunit hindi sumagot ang  biktima kung kaya pansamantala itong iniwan ng roomboy.

Ngunit sumobra na sa oras ang biktima  na labis ng ikinabahala ng management  sa kabila ng ginawa nilang pagkatok  sa pinto ng kuwarto nito.

Dahil dito napilitan na ang mga room boy na  puwersahing buksan ang pinto ng kuwarto at laking gulat nila ng tumambad  sa kanila ang wala nang buhay na biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply