Bebot patay sa karambola ng 3 sasakyan sa Maynila

TODAS ang isang babae sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan sa Sampaloc, Maynila, kaninang madaling araw.

Dead on the spot ang biktima na si Maricar Saminiano habang sugatan naman ang kasama nitong si Paul Uy, nagmamaneho ng sinasakyan nilang motorsiklo.

Sa kuha ng close circuit television (CCTV) camera ng Barangay 419 sa Sampaloc, Maynila mabilis na humaharurot ang kulay puting sports utility vehicle (SUV) na may plakang RLS-648 at nasalpok nito ang isang dump truck

Dahil sa lakas ng pagbangga ay nasalpok naman ang isang motorsiklo (6945-NP) nina Uy at Saminiano.

Nabatid na bagamat may kadiliman sa lugar ay nagawa pang makaiwas ng dumptruck at motorsiklo sa isang nakabalagbag na ten wheeler truck sa kalsada ngunit nagitgit naman sila ng humaharurot na SUV.

Nakaladkad ng SUV ang motorsiklo dahilan upang pumailalim pa ito sa sasakyan.

Sinikap namang isalba ng mga rescuer ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply