Bebot todas sa karambola ng 4 na sasakyan

ISANG babae ang nasawi habang sugatan naman ang kasama nitong lalaki makaraang madamay sa karambola ng apat na sasakyan nang sumalpok ang isang container van sa center island ng Nagtahan flyover sa Lacson Steet, Sampalaoc, Maynila kaninang madaling araw.

Base sa report sa radio, dead on arrival sa Ospital ng Sampaloc si Maricar Famillano, 30. Sugatan naman ang kasama nitong si Paul Uy makaraang makaladkad ang sinasakyang motorsiklo ng isang puting Toyota Fortuner (RLS 648) na minamaneho ni Dr. Arvin Yumin, matapos iwasan ang nakabalandrang container van (TYT 931) sa daan.

Nawalan din ng control ang motorsiklo kung kaya sumalpok sa isang trailer truck

Nabatid pa na nawasak ang bakal ng barandilya at halos matumba rin ang poste ng ilaw sa lakas ng pagkakabangga ng container van.

Samantala, mariin namang itinanggi ng driver ng container van na si Rizaldi Cueto na nakatulog siya sa daan habang nagmamaneho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply