Bebot todas sa tarak ng kaalitan sa Parañaque

PATAY ang isang babae nang saksakin ng kanyang kaalitang bebot habang bumibili ng banana que kahapon sa Parañaque City.

Dead on arrival sa pinagdalhang ospital ang biktimang si Raquel Romero, 29, dalaga, walang trabaho ng Purok 3 Silverio Compound ng naturang lungsod sanhi ng isang tama ng saksak sa likod na tumagos sa dibdib.

Naaresto naman sa isinagawang follow up operation ng pulisya ang suspek na si Anna Jane Marquez, 21, ng 814 Gomburza St., Brgy. Sto. Nino, Parañaque City.

Base sa isinumiteng report ni Senior Supt. Billy Beltran, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang pananaksak dakong alas-3:00 ng hapon sa may Canaynay Avenue, Evacom, Brgy. San Dionisio,  naturang lungsod.

Batay sa salaysay ng saksing si Jay Barreto, live-in partner ni Romero, kasalukuyang bumibili ng banana que ang kanyang kinakasama nang dumating ang suspek.

Buhat sa likuran, walang sabi-sabi na sinaksak sa likod ng suspek ang biktima at nang duguang bumulagta ay mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang ginamit na patalim.

Base sa pahayag ni Barreto, matagal nang may malalim na alitan ang dalawa na hindi mabatid ang dahilan kaya nang mag-krus ang kanilang landas ay gumanti ang suspek.

Samantala kasalukuyang nakakulong ang suspek sa detention cell ng Parañaque Police habang inihahanda ang pagsampa ng kasong murder sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply