Belt ni Cuello naibalik na

NAIBALIK na ang nawawalang World Boxing Council (WBC) minimum weight title belt ni Denver Cuello makaraang isauli ito ng taxi driver na nasakyan niya.

Ayon sa taxi driver na si  Pepito Sumalinog sa isang panayam sa radio, hindi niya kaagad nakilala na ang naging pasahero pala niya si Cuello noong gabing nawala ang kanyang belt na sumakay sa Cubao.

“[Ang inisip ko] siguro naghahanap and may-ari into,” ayon sa driver.

Pinasalamatan naman ni Cuello sa himpapawid ang driver na nagmagandang loob na ibalik ang kanyang belt.

“Nagpapasalamat ako sa mahal na Panginoon may taxi driver na pag nakakita ng gamit sinasauli. Maraming salamat sa inyo Mang Pepito.”

“Nang nalaman ko si Denver [Cuello] pala siya, nakababa na sila. Hindi ako nakaalis agad, di ko rin alam may Taiwan.”

Ayon pa kay Pepito, nalaman na lamang niyang kay Cuello ang naturang belt nang mapanood niya sa isang balita sa TV.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply