Beteranong singer iniwan ang syotang singer sa gitna ng kalye!

GIRLFRIEND pala ng beteranong singer na dating kilabot ng mga anik-anik (Hahaha!) ang female singer na sumikat nung late 90s sa mga kinakanta may double meaning. Kung susumain, halos kalahati lang ng edad ng una ang syota niyang ito. At dahil malayo ang agwat ng kanilang edad, tila hindi sila magkasundo sa ugali. Madalas daw mag-away ang mga ito.

Sa isang bar kamakailan ay naispatan ng ating source ang dalawa na nagkakaroon ng diskusyon. Parang nagselos daw ang beteranong singer dahil may kausap yatang iba ang batang-bata niyang GF. Ang ginawa nito, hinatak ang girlita at isinakay sa kanyang caru at dali-daling umalis.

Ewan natin kung bakit masyadong malakas ang radar ng ating source. May isang babae raw kasi na iniwan sa gitna ng C-5 Road sa Taguig sa gitna pa mandin ng kalye at sa madilim na bahagi nito, na nung kanyang malaman ay ang dalawa palang singers na nag-away sa isang inuman. Ibinaba ni papa si mama sa highway at hindi man lang inalinta ang panganib na maaaring mangayari sa kanyang lovey-dovey. Mabuti na lamang may pang-taxi si A. ‘Yun na!

***

Shaina: Magkaibigan lang kami ni Piolo

SA GITNA ng mga intrigang nag-uugnay sa kanya sa kina Gerald Anderson, Rico Blanco nat kamakailan kay Piolo Pascual, nananatiling matipid ang mga pahayag ng “Kung Ako’y Iiwan Mo” lead star na si Shaina Magdayao kaugnay ng tunay na estado ng kanyang lovelife.

Sa isang statement na ipinadala sa “The Buzz,” kinlaro kamakailan ni Shaina na walang ibang kahulugan ang mga kumakalat na letrato nila ni Piolo na kinunan habang nasa Singapore sila para sa “ASAP 2012.” Aniya, “Papa P. has always been a gentleman naman to me and everyone. Isa siyang mabait na tao. We’re friends.”

***

Negosyong pagkain ng TV host sumama ang lasa

MAY friend tayong kumain sa isang resto na pag-aari ni TV host. Ang sarap daw ng bakang ino-order nila rati at talagang mapararami ang kain mo, pero lately ay parang may kulang na raw sa kanyang panlasa.

Bulong naman ng isa pang kausap natin, natotorete at tense daw kasi parati ang mga empleyado ni TV host dahil lagi raw silang nakatitikim ng dakdak at sermon sa amo nila. Konting kibot lang daw nila na hindi magustuhan ng host na itetch ay nakasinghal na agad sa kanila. Gusto raw nito ay laging perfect ang kanilang kilos. Kaya kapag present ito sa resto ay hilong-talilong ang mga trabahadores. Tuloy, dahil sa demoralisado sila, pati ang trabaho nila sa pagluluto ay apektado kaya ang ending, nagkaletse-letse rin ang taste ng kanilang food.

***

SIR hindi over-acting ang mga balita

KAYA tinututukan ng televiewers ang Showbiz Inside Report (SIR) tuwing Sabado, 3-4 p.m ay dahil sa magandang presentasyon ng pagbabalita nito kung saan one-on-one na kinakapanayam ng mga hosts na sina Janice de Belen, Carmina Villaroel, Joey Marquez at Ogie Diaz ang mga celebrities na gusto nilang i-feature sa programa.

Lahat ng sustansiya na puwedeng mapiga sa isang subject ay nakukuha nila ng walang exaggeration. Maging sa kanilang panel discussion ay natatalakay nila ang isyu ng maayos at walang sapawan. Pinag-iisipan ang bawat isyung tatalakayin kada linggo. Kaya huwag kaliligtaang tutukan ang talk show na ‘to sa ABS CBN.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply