Biazon laging on the go sa BOC

TALAGANG ikinabuti ng Bureau of Customs ang desisyon na ‘di paglahok ni Commissioner Ruffy Biazon sa darating na 2013 election dahil kitang-kita na sa ilalim ng pamumuno nito sa ahensiya ay malaki ang magagandang ipinagbago nito.

Mula sa iba’t ibang operasyon ng Customs na pinamunuan ni Biazon kung saan nasawata ang mga smuggler sa likod ng mga ipinilit na ipuslit na kargamento, patuloy rin ang ahensiya sa pagtulong nito sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga nakumpiskang iligal na kargamento sa mga maaaring makinabang pa rito.

Bukod dito, tumaas din ang public trust rating ng publiko sa BOC. Ayon sa kalalabas lamang na survey ng Social Weather Stations ay umkayat ito mula -69% patungong -45% na bagama’t nasa negative rating pa rin, umakyat naman ito mula“very bad” patungong “bad”.

Patunay lamang ito na epektibo ang kasalukuyang liderato sa customs sa ilalim ni Biazon na siya namang naging visible sa lahat ng operasyon ng customs, maging sa ilang pagdinig patungkol sa ilang isyung pang-ahensya upang ipaglaban ang prinsipyo at integridad ng BoC.

Hindi na talaga mapipigilan ang pagkabuhay ng customs, na sa galing ng namumuno rito, mahihirapan ‘di lamang ang mga smuggler kundi pati ang susunod na maluluklok sa puwesto nito na mapantayan ang determinasyon na ipinamamalas nito.

Sa kasalukuyan naman, isang bidding ang planong gawin ni Biazon sa nakumpiskang 420,000 sakong smuggled rice mula sa India na nasabat sa Subic Freeport.

Tama nga naman na sa halip na mabulok ang mga bigas na ito, mabuti pang i-bidding na lang na kung mananalo ang customs sa kaso laban sa kompanya na umaangkin dito ay mapupunta sa pondo ng national government ang kikitain sa naturang bigas.

Kung sakali namang hindi magtagumpay ang dalawang bidding process na isasagawa ng customs, ayon kay Biazon, ay maaaring i-donate na lamang ang mga bigas sa National Food Authority (NFA) ngunit kung nanaisin din naman ng NFA na sumali sa bidding ay maaari naman rin naman daw itong makilahok.

Sadyang hindi madaling palitan ang hindi magandang impresyon ng iilan sa customs dahil na rin sa mga nakalipas na ‘di magagandang isyu rito buhat sa mga nakalipas nitong liderato.

Ngunit sa galing at malasakit ni Biazon sa interes ng mga Filipino sa lokal na industriya ng agrikultura sa bansa, makakamit din ng Customs ang malinis na pangalan na karapat-dapat para rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply