Biazon, muling umiskor

NAGPAKITANG GILAS na naman si  Bureau  of Customs  (BOC) Comm. Ruffy Biazon at kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Isang babaeng Indonesian na miyembro umano ng international drug ring ay dinakip ng  Customs agents  sa pangunguna nina Col. Marlon Almeda  at  Byron Carbonell.

Si Dwi Wulandari, 31, sakay ng Emirates plane Flight EK-332 mula Indonesia, China at Peru via Dubai  ay lumapag  sa NAIA alas 5 ng hapon noong Sabado.

Matapos busisiin ng mga tauhan nina Almeda at Carbonell ang kanyang luggage ay tumam-bad ang 8.7 kilos ng cocaine na nagkakahalaga ng P50 million.

Kung pinupuri natin si Biazon, Almeda at Carbonell, nararapat lang na tapikin din natin sa balikat ang mga tauhan nilang sina Customs examiner Frieda Sarte Malvar, supervisor Flor de Mayuga at team leader Ogie Alcantara.

Kuwento ng mga bubuwit natin diyan sa airport, ang tatlong ito ang  bumusisi sa baggage ni Wulandari na naging ugat ng pagkakatuklas ng nasabing droga.

Si Wulandari ay isa lamang sa marami nang mga dayuhan na nasakote  sa mga daungan, partikular sa NAIA mula nang maupong BOC chief si Biazon.

Nakatutuwa ang nangyayaring ganito sa kasalukuyang liderato sa Aduana dahil talagang nagtatrabaho ngayon ang  mga opisyal at kawani nito.

Dahil nga sila’y nagtatrabaho, ang resulta’y magandang accomplishment dahil sa pagkakasakote ng mga bumabaluktot sa batas.

Kaya tama lang ang desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino na panatilihin si Biazon sa BOC at h’wag nang patakbuhin sa Senado.

Dahil paniwala natin, si Biazon ang tamang lider na magdadala ng reporma sa Aduana para tuluyan nang mabura ang korapsiyon sa ahensya.

HUWAG IBOTO SI MAYOR

May panawagan ang mga Batangueño na h’wag iboto ang mga alkalde na nagbubulag-bulagan sa operasyon ng iligal na sugal sa kanilang mga bayan at lungsod.

Binanggit nila sina Mayor Tony Dimayuga ng San Pascual, Ryan Dolor ng Bauan, Eutiquio Briones ng San Jose at ‘yung mayor ng bayan ng San Juan.

Ang mga lugar daw kasi ng apat na alkalde na ito ay namumutiktik ang iligal na sugal na dahilan ng pagkakalulong ng maraming Batangueno.

Sa apat na bayang ito ng Batangas, matunog na ang operator ng Small Town Lottery-con jueteng ay isang alyas Nene at Minda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply